
Panibagong anim na hinihinalang buto ng tao ang narekober ng mga awtoridad sa Taal Lake sa Batangas sa gitna ng nagpapatuloy na paghahanap sa mga nawawalang sabungero.
Ayon sa Philippine National Police o PNP, kasama ng anim na buto ang ilang piraso ng tela at telang ginawang sako ang narekober ng mga divers sa lawa.
Ang mga buto ay itinurn over na ng PNP sa Scene of the Crime Operatives o SOCO para masuri.
Sa pinakahuling datos mula sa Department of Justice o DoJ, nasa 887 na buto ng tao na ang narekober sa Taal Lake.
Ang isinasagawang pagsisid sa Taal Lake ay kasunod na rin ng pasabog ni Julie “Dondon” Patidongan, whistleblower ng mga nawawalang sabungero na mahigit 100 sabungero ang dinukot, pinatay at itinapon sa naturang lawa.
Facebook Comments









