6 patay, 2 sugatan sa pamamaril ng nag-amok na dating sundalo

421

Nasawi ang anim katao at sugatan ang dalawa pa matapos mag-amok ang isang dating sundalo sa Calbayog City, Samar.

Kinilala ang suspek na si Glen Balunan, na namatay rin matapos makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis.


Batay sa inisyal na imbestigasyon, lasing umano ang suspek nang mag-ikot sa Barangay Gadgaran at pagbabarilin ang makita niya sa daan.

Nang rumesponde ang mga pulis, nakipagpalitan pa umano ng putok ang suspek na tinamaan sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

Naisugod pa sa ospital ang suspek, ngunit binawian din ng buhay.

Tinukoy rin ng awtoridad si Balunan bilang isang “troublemaker” sa kanilang purok at dati nang nasangkot sa pananaga ng mga kotse at tricycle sa lugar.

Inaalam pa ang dahilan ng pagwawala ng suspek.




Facebook Comments