6 patay sa engkwentro sa Datu Unsay

Patay ang limang elemento ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers habang isa naman sa hanay ng 64th DRC sa nangyaring engkwentro noong weekend sa Brgy Maitumaig Datu Unsay Maguindanao.

Sinasabing reresbak sana sa kanilang tropang BIFF na nakaposisyon sa Mt. Firis Area ang mga nasawi ayon pa kay Cpt. Arvin Jhon Encinas, 6th ID DPAO Chief .

Kabilang sa mga napaslang ay isang Abu Omar, sinasabing isang high rangking official ng BIFF. Nakumpiska sa mga napaslang ang 4 ng m16 at 3 IED.


Ikinalungkot naman ng 6th ID ang pagkakalagas ng isang elemento at pagkakasugat ng isa pa.

Nagpapatuloy pa rin ang clearing operation sa pinangyarihan ng insidente.
Matatandaang nagsimula ang kaguluhan sa Mt. Firis Area noong bisperas ng kapaskuhan na nagresulta sa paglikas ng 300 pamilya.

6th ID Pic

Facebook Comments