You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

6, patay sa nangyaring sunog sa Tondo, Maynila

Anim ang kumpirmadong patay sa nangyaring sunog sa Number 1888 Tioco Kanto ng Tapuri Street, Brgy. 89, Zone-8, Herbosa, Tondo, Maynila.

Ayon sa Manila Fire District, nakilala ang mga nasawi na sina Nathalie Nicole Sorbito, 17-anyos; Shane Bernadette Sorbito, 16-anyos; Elizabeth Mendoza, 48-anyos; Janet Rosales, 49-anyos; Remedios Pacia, 70-anyos at Eugenio Pacia, 48-anyos.

Sinasabing hindi na nakalabas ng kanilang bahay ang mga biktima dahil sa biglaan ang nangyaring sunog.

Nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag na bahay ni Alfredo Estabillo, alas-6:37 ng umaga sa hindi pa malamang dahilan, na inabot naman ng unang alarma at idineklarang fireout alas-7:52 ng umaga.

Nasa walong bahay ang nadamay sa sunog at aabot sa 20 pamilya ang nawalan tirahan.

Aabot naman sa ₱150,000 ang estimated damages ng nangyaring sunog habang dalawa ang naitalang sugatan dahil sa insidente.

Facebook Comments