6 patay sa sunog sa Tondo, Maynila

Courtesy: Recto Fire Volunteer Brigade

Anim na indibidwal ang kumpirmadong nasawi sa sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila kaninang madaling araw.

Kabilang sa binawian ng buhay matapos hindi makalabas ang isang taong gulang na bata.

Bukod sa nasawi, may dalawa ring napaulat na sugatan na nagtamo ng paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan.


Courtesy: Recto Fire Volunteer Brigade

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nangyari ang insidente alas-3:50 ng umaga sa Camba Street sa kanto ng Ariaran Street sa Barangay 25.

Umabot ng ikalawang alarma ang sunog bago maapula makalipas ang mahigit isang oras o 5:14 ng umaga.

Ayon sa BFP, nagsimula umano ang apoy sa ikalawang palapag ng gusali.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, posibleng electrical issue ang dahilan ng sunog.

Facebook Comments