6, posibleng nasa likod ng pagpaslang kay Rep. Batocabe

Manila, Philippines – Anim na personalidad ang tinitignan ng mga awtoridad na posibleng nasa likod ng pamamaril kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.

Ayon kay Chief Inspector Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Special Investigation Task Group Batocabe, batay ito sa statement ng driver ng kongresista.

Nakita umano ng driver ang tatlong motorsiklo na naghihintay malapit sa sasakyan ni Batocabe ilang minuto bago nangyari ang pamamaril.


Sabi pa ni Calubaquib, patuloy silang kumakalap ng mga footages at mga larawan mula sa give giving event na maaaring magamit sa imbestigasyon.

Facebook Comments