6 sa 10 Pinoy, naniniwalang nabawasan na ang bilang ng mga drug addict sa kanilang lugar – SWS

Manila, Philippines – 66 percent ng mga Pinoy ang naniniwalang nabawasan na ngayong ang bilang ng mga drug addict sa kanilang lugar kumpara noong 2017.

Batay sa inilabas ngayong araw na survey ng Social Weather Station (SWS), pinakamaraming nagsabi nabawasan ang bilang ng mga drug addict sa kanilang lugar sa Mindanao.

Sinundan ito ng mga taga Visayas, Metro Manila at balance Luzon.


14% naman ang nagsabing tumaas pa ang bilang ng mga drug addict habang 7% ang nagsabing pareho lang ang nasabing bilang.

Isinagawa ang survey December 16 hanggang December 19, 2018 sa 1,400 respondent na may edad labing wala pataas.

Facebook Comments