6 sa 10 tumakas na preso sa Malibay Substation 6, nahuli na ng SPD

Kasalukuyan pa rin pinaghahanap ang apat sa 10 puganteng nakatakas sa Malibay Substation 6 Pasay City kasunod ito ng pagkakaaresto ng anim sa sampong tumakas na preso.

Dakong alas-8:30 ng gabi, nahuli ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) ang suspek na si John Michael Cabe na may kasong carnapping.

Natagpuan si Michael Cabe sa Quirino Avenue, Parañaque City.


Una rito, naaresto ng mga awtoridad ang lima pang suspek na sina Tirso Galit at Joshua Panganiban na may kasong robbery, Christian Salva Tierra, Joey Hernandez at Eden Garcia na humaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa ngayon, patuloy pang pinaghahanap ang ilan pang tumakas sa Malibay Substation 6.

Facebook Comments