Anim sa bawat sampung manggagawang Pilipino ang nakabalik na sa kani-kanilang trabaho.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, 63.1% ng mga manggagawang Pinoy ang nakakapagtrabaho na muli simula noong June 1 hanggang 15 o simula nang ibaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila.
Base pa sa weekly report ng Pangulo sa Kongreso, 98% na rin ng mga establisyimento ang nakapag-o-operate na muli.
Dahil dito, kumpiyansa si Pangulong Duterte na unti-unti nang bubuti ang lagay ng ekonomiya sa bansa dahil sa mas maluwag na quarantine restrictions.
Facebook Comments