6 sa bawat 10 pamilyang Pilipino, halos walang makakain sa harap ng pandemya – DOST-FNRI

Nasa anim hanggang 10 pamilyang Pilipino ang nakararanas ng kakaunti o walang makakain sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI).

Batay sa rapid nutrition assessment survey na isinagawa mula November 3 hanggang December 3, 2020, lumalabas na 62.1% ng pamilyang Pilipino ang nakararanas ng moderate hanggang severe food insecurity.


Nasa 71.8% respondents ang napipilitang umutang para makabili ng pagkain, habang 66.3% ang humihingi ng pagkain mula sa mga kaanak, kapitbahay at kaibigan.

Nasa 30.2% ang nasasagawa ng food trading at bartering.

Higit 21.1% ng adults ang nagbawas ng kanilang kinakain para mayroong makakain para sa kanilang mga anak.

Lumalabas sa survey na ang mga dahilan ng food insecurity ay kapos sa salapi (22.1%), limitadong public transportation (21.6%), kawalan ng hanapbuhay o mapagkakakitaan (19.5%), kawalan ng access sa pagkain (10.8%), at mga matatanda na walang kasama para bumili ng pagkain para sa kanila (5.1%).

Nabatid na nagsulputan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga community pantries para matulungan ang mga taong naghihikahos ngayong pandemya.

Facebook Comments