Naniniwala ang anim sa bawat 10 Pilipino na sapat ang ginagawang hakbang ng pribadong sektor para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 63% ng adult Filipinos ang kuntento sa COVID-19 response ng mga pribadong kumpanya at negosyo.
Nasa 23% ng mga respondents ang nakukulangan sa aksyon ng pribadong sektor habang 12% ang undecided.
Nasa 58% ng mga Pilipinong walang trabaho ang nagsabing sapat ang aksyon ng pribadong sektor habang 68% ay mula sa mga mayroong trabaho o kabuhayan.
52% ng mga respondents ang mayroong trabaho nang isagawa ang survey, 36% ang walang trabaho o kabuhayan pero mayroon noon, habang 12% ang kailanman ay hindi nagkaroon ng trabaho o walang kabuhayan.
Ang survey ay isinagawa mula September 17 hanggang 20 gamit ang mobile phone at computer-assisted telephone interviewing sa 1,249 adult Filipinos sa buong bansa.