Nasa anim sa bawat 10 Pilipino na mayroong sakit na family member ang gumamit ng Philippine health insurance.
Matatandaang nitong 2017, 93% o 97 million na Pilipino ang sakop na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Base sa Philcare Wellness Index 2019, 63.35% ng mga Pinoy lamang ang gumagamit ng health insurance.
Kapag nandiyan na ang medical bills, karamihan sa mga respondents ay ginagamit ang kanilang savings para bayaran ito, habang nasa 25.10% ang humihingi ng tulong sa iba.
Nasa 16.73% naman ang ginagamit ang kanilang sahod habang nasa 15.14% ang ginagamit ang kanilang health maintenance organization.
Lumalabas din na 40% ay hindi sigurado kung mababayaran nila ang kanilang medical bills habang 35% ang hindi tiyak na kaya nilang magkaroon ng regular medical check-ups.
Karamihan din sa mga respondents ay kailangang magbayad ng higit 30,000 pesos para sa kanilang medical bills.
Ang pag-aaral ay isinagawa sa 1,350 respondents sa iba’t-ibang sektor at rehiyon sa bansa.