Anim sa kada 10 matandang Pilipino ang nais magpabakuna bilang panlaban sa COVID-19.
Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng OCTA Research Group kung saan katumbas ito ng halos 61% .
Sa nasabing bilang, 36% dito ang nabakunahan na habang 24% ang magpapabakuna pa lamang.
22% naman ang nagsabing ayaw nilang magpabakuna.
Samantala, ang rehiyon ng Visayas ang nakapagtala na pinakamataas na vaccine hesitancy na may 32%, sinundan ng Balance Luzon na may 24%,
Mindanao na may 19% at National Capital Region na may 5%.
Nabatid na ang survey ay isinagawa sa 1,200 respondents noong Setyembre 11 hanggang 16 ng kasalukuyang taon.
Facebook Comments