Ang mga suspek ay kinilalang sina alyas “Jener”, 30 taong gulang, may asawa, isang mangingisda; alyas “Eric” 20 taong gulang, walang asawa; alyas “Clay”, 28 taong gulang, may asawa at isang magsasaka, at tatlong estudyante at menor de edad na sina alyas “Jon” 16 na taong gulang; alyas “Mike”16 na taong gulang, at alyas “Dennis” 15 na taong gulang, lahat ay residente ng Barangay Remus, Baggao, Cagayan.
Sa impormasyong ibinahagi ng Peñablanca Police Station, dumulog mismo sa himpilan ng pulisya ang mga biktima para ireklamo ang pagkawala ng kanilang mga alagang ‘tandang’ sa Quibal, Peñablanca, Cagayan.
Ayon sa mga biktima, napansin nila ang pagkawala ng ilan sa mga tandang sa tuwing sila ay nagpapakain.
Sa pagtugon ng mga kapulisan ng Peñablanca Police Station, natunton ang kinaroroonan ng mga itinuturong suspek sa Barangay Remus, Baggao, Cagayan sa tulong ng PNP Baggao.
Nang makumpirma na sila ang mga sangkot sa pagnanakaw ng 25 pirasong manok at pagbebenta ng mga nakaw na manok ay agad silang inaresto.
Samantala, naisampa na ang kasong “Theft” laban sa tatlong (3) suspek habang ang tatlong menor de edad ay ipinasakamay sa MSWD sa bayan ng Baggao, Cagayan.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng ng PNP Peñablanca kaugnay sa naturang insidente.