6-taong gulang na Bata na Tinamaan ng Delta Variant, Clinically Recovered na- LGU Roxas

Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ng LGU Roxas, Isabela na ‘clinically recovered’ na ang naiulat na pasyenteng tinamaan ng COVID-19 Delta variant sa kanilang bayan.

Ito ay matapos maitala ang 32 nadagdag na kaso ng Delta variant sa rehiyon dos kung saan 15 ang mula sa lalawigan ng Isabela, batay sa ulat ng DOH – Regional Epidemiologic and Surveillance Unit (RESU).

Isang anim (6) na taong gulang na batang babae na residente ng Brgy. Quiling ang tinamaan ng variant kung saan isa itong Locally Stranded Individual (LSI) mula sa Caloocan City na umuwi sa Roxas noong August 5, 2021.


Tiniyak naman ng LGU na nasunod ang travel protocols dahil dumiretso si CV 61121 sa RHU Central Triage sa parehong araw at ditto isinailalim sa health assessment at sumailalim sa Rapid Antigen Test.

Nagpositibo sa antigen test ang bata na kaagad inilipat sa Roxas Quarantine Facility para sa atensyong medikal.

Makalipas ang isang araw, August 6 ng dumating ito sa kanilang bayan na kaagad naming isinailalim sa RT-PCR test at nagpositibo sa COVID-19.

Wala namang naranasang anumang sintomas ang bata at makalipas ang 14-araw ng walang sintomas na nararamdaman ay kinokonsidera itong clinically recovered patient.

Samantala, kaagad namang nagsagawa ng contact tracing ang LGU kabilang ang back tracing ng primary at secondary contacts ng pasyente noong August 5 at maswerte namang negatibo sa COVID-19 ang lahat ng nakasalamuha ng pasyente bagama’t pinayuhan pa rin na sila ay sumailalim sa strict quarantine.

Panawagan ngayon ng LGU Roxas sa publiko na makipagtulungan sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon sa Barangay Health Response Teams (BHERTs) sa mga dumarating na kabarangay lalo na ang mga nagmumula sa high risk areas gaya sa NCR at mga karatig rehiyon na may mataas na kaso ng Delta variant.

Patuloy ang isinasagawang disinfection at local containment strategies upang maiwasan ang pagkalat ng kaso sa bayan ng Roxas.

Facebook Comments