Isa sa prayoridad ng Philippine Economic Zone Authority o PEZA na makapagtala ng 6 to 7 percent employment para sa taong ito sa pamamagitan ng kanilang ecozones.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni PEZA Manager Aleem Guiapal na sa ngayon ay mayroon silang 1.7 milyong mga manggagawa.
Umaasa si PEZA manager na kapag gumana na ang ecozone nationwide ay malaking tulong ito para maabot ang target na 6 to 7 percent employment.
Naniniwala rin si Guiapal na kung makikipagtulungan sa kanila ang iba’t ibang Local Government Units sa buong bansa ay magkakaroon sila ng investment na malaking tulong sa empowerment sa mga komunidad lalo na sa Mindanao.
Sa kasalukuyan kasi ay nakadepende lang ang mamamayan sa employment na binibigay ng gobyerno na limitado naman.
6 to 7 percent na pagtaas ng employment, target ng PEZA ngayong taon
Facebook Comments