6 years old na batang lalaki sa Japan, tinaguriang world’s youngest DJ ng Guinness World Record

Manila, Philippines – Hinahangaaan ngayon ang isang anim na taong gulang na batang lalaki matapos kilalalnin bilang “wolrd’s youngest club DJ”.

Si Itsuki Morita na binigyang parangal ng Guiness World Record matapos ang naging performance nito sa isang bar sa Osaka.

Gamit ang professional pioneer xdj aero, pinasaya at pinasayaw nito ang mga guest sa loob ng isang oras kung saan hindi naman makapaniwala ang iba na anim na taong gulang pa lamang ito.


Bukod sa pagiging DJ, marunong din mag-drums si Itsuki at ang dream nito ay maka-jamming ang kaniyang idol na si DJ Avicii ng Sweden.
DZXL558

Facebook Comments