60-anyos na lalaki, arestado dahil sa panggagahasa ng 13-taong gulang na dalagita

Zamboanga Del Norte – Arestado ang 60-anyos na lalaki dahil sa panggagahasa sa 13-taong gulang niyang kapitbahay sa Katipunan, Zamboanga Del Norte.

Lagi raw pumupunta ang bata sa bahay ng suspek.

Pero nagtaka ang ina ng biktima nang hindi ito nakauwi ng bahay.


Agad namang nagsumbong ang bata pero pinabulaanan ito ng suspek.

Nahaharap na ang suspek sa kasong rape.

Facebook Comments