60-anyos na lolo, sawi matapos makulong sa nasusunog niyang bahay

(Shutterstock)

Hindi na nagawang maisalba pa ang isang 60-anyos na lalaking nakulong sa loob ng kanyang nasusunog na bahay sa Las Piñas City.

Nangyari ang insidente nito lang Miyerkules, Hulyo 1 sa bahay mismo ng biktimang so Fernando Manalo, residente ngb 1085 Tramo St. Brgy. Pulang Lupa Uno, Las Piñas.

Kwento ng ilang kapitbahay, bandang 6:00 am nang makarinig umano sila ng malakas na pagsabog sa bahay ni Manalo.


Agad itong nasundan ng makapal na usok na maya-maya pa’y lumitaw na ang malaking apoy.

Ayon sa report ng Las Piñas Bureau of Fire Protection (BFP), napag-alamang nasa loob noon ang biktima na tuluyan nang nakulong dahil sa malakas na sunog.

Makalipas ang ilang minuto ay naapula ang apoy at dakong 6:32 am ay idineklara itong fire under control.



Iniimbestigahan naman ng pulis ang pinagmulan ng trahedya.

Facebook Comments