60-anyos surfer sa Australia, patay matapos atakihin ng pating

(AP Photo)

Patay sa pag-atake ng pating ang 60-anyos na surfer habang nasa isang beach sa Australia noong Linggo.

Sa ulat ng the Surf Life Saving NSW organization, nagtamo ng matinding sugat sa kanyang hita ang biktima nang kagatin ng naturang hayop.

Bagaman hindi inilabas ang pagkakakilanlan ng biktima, naiulat na nasawi ito matapos tulungan ng iba pang surfers na nilabanan ang umatakeng pating.


Nagawa pa raw itong gamutin ngunit nasawi rin kinalaunan.

Sa isa namang pahayag na inilabas ng Department of Primary Industries, nakuhanan daw ng shark bilogist ang mga pangyayari kung saan nakumpirma na white shark nga ang kumitil sa matanda.

Naiulat na mayroong habang 10-feet ang nasabing hayop.

Samantala, naitalang ito na ang ikatlong kaso ng mga namatay sa lugar dahil sa pag-atake ng pating.

Facebook Comments