60-day import ban sa bigas simula sa susunod na buwan, inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 60-day suspensyon ng importasyon ng bigas simula sa Setyembre.

Kasunod ito ng konsultasyon sa mga miyembro ng gabinete ng Pangulo sa sidelines ng kanyang limang araw na state visit sa India.

Ayon kay Presidential Communication Sec. Dave Gomez, layon ng hakbang ng Pangulo na maprotektahan ang mga lokal na magsasaka mula sa murang presyo ng palay ngayong panahon ng anihan.

Bago lumipad noong Lunes, inirekomenda ni Agriculture Secretary Francisco Tui-Laurel Jr. ang pansamantalang paghinto ng lahat ng pag-aangkat ng bigas gayundin ang pagtaas ng taripa sa imported rice.

Pero ayon kay Gomez, sinabi ng Pangulo na hindi pa napapanahong talakayin ang tariff increases sa inaangkat na bigas.

Facebook Comments