Aabot na sa 60 Diplomatic protest ang inihain ng Pilipinas laban sa China mula pa noong 2016.
Iginiit ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr., na hindi nagkulang ang ahensya sa paghahain ng protesta tuwing pumapasok nang walang paalam sa teritoryo ng Pilipinas ang mga barko ng China.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagdiin kay Chinese President Xi Jinping na kailangang humingi ng permiso ang kanilang mga barko bago pumasok sa teritoryo ng Pilipinas.
Sa usapin naman ng joint oil exploration sa West Philippines Sea, tingin ng DFA na mas makakabuting pribadong kumpanya lang mula sa Pilipinas ang manguna.
Facebook Comments