Monday, February 23, 2026

60 kilong bigas kada taon, ipamamahagi sa bawat pamilya —PBBM

Aabot sa limang milyong pamilyang Pilipino ang makatatanggap ng tig-60 kilo ng bigas kada taon mula sa pamahalaan gamit ang Local Government Support Fund o LGSF.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nasa tig-sampung kilong bigas ang ipamamahagi sa loob ng anim na buwan kada taon.

Bukod sa bigas, popondohan din ng LGSF ang pagtatayo ng mga ospital at health stations.

Kasama rin ang pagpapatayo ng multi-purpose halls at sports facilities na maaari ring gawing evacuation centers kapag may kalamidad.

Susuportahan din ang paggawa ng farm-to-market roads at iba pang local road networks para mas mapabilis ang biyahe ng mga produkto.

May pondo rin para sa water supply systems at mga proyektong elektripikasyon sa mga komunidad.

Facebook Comments