Tigil operasyon parin ang nasa 60 seaports sa bansa.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan ng mga tigil operasyon na pantalan ay nasa Region 3 na 23, 12 mula sa CALABARZON, 11 sa Region 8, 3 sa Region 2 at 1 sa Region 1.
Ang pagkaantala sa byahe ng mga pantalan ay dahil parin sa malakas na alon dulot nang masamang lagay ng panahon.
Kasunod nito, stranded parin ang nasa 248 na mga pasahero mula sa Regions 3, 8 at CALABARZON.
Hindi rin muna pinapayagang maglayag ang nasa 43 rolling cargoes, 11 vessels at 23 motorbancas.
Kaugnay nito, inaabisuhan ang mga byahero na makipag-ugnayan muna sa kinauukulan upang mabatid kung tuloy ang kanilang mga byahe kaysa ma-stranded sa mga pantalan.
Facebook Comments