60 million doses ng COVID-19, inilaan para sa pagbabakuna sa mga kabataan

Aabot sa 60 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang inilaan ng pamahalaan para sa mga edad 12 hanggang 17 kasabay ng pilot implementation ng pediatric vaccination sa Oktubre 15.

Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., humigit kumulang 29 na milyon ang populasyon ng mga kabataang maaaring mabakunahan kaya ganito karami ang inilaan nilang nbakuna.

“Iyong sa 12 and 17, ang ating bilang is 12.7 million iyong mababakunahan noon. But in fact, ang ating ina-allocate dahil kasi ang ano po natin, ang ating bilang po sa ating mga children population is more or less 26 to 29 million, nag-a-allocate po tayo ng 60 million.” pahayag ni Galvez


Sa ngayon, tanging Pfizer at Moderna COVID-19 vaccine lamang ang pinayagan at binigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng permiso para maiturok sa mga batang edad 12-17.

Facebook Comments