60 milyong COVID-19 vaccines, matatanggap ng Pilipinas sa 2021 – Galvez

Maaaring makakuha ang Pilipinas ng karagdagang 60 milyong COVID-19 vaccine shots sa ikalawa at ikatlong kwarter ng 2021.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang India-based manufacturer na Novavax vaccines ay magpapadala ng 30 million doses sa Pilipinas na walang cash advance requirement.

Nakatakdang makipagpulong si Galvez sa mga opisyal ng Novavax sa December 23.


Bukod dito, o-order din ang gobyerno ng 20 milyong doses ng bakunang gawa ng AstraZeneca.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapirma lamang sa isang supply deal, kung saan 2.6 million shots mula sa British drugmaker sa tulong ng pribadong sektor.

Sinabi ni Galvez na hinihintay na lamang nila ang regulatory authorization ng United Kingdom bago pirmahan ang kontrata.

Kaugnay nito, sinabi ng Pangulo na hindi pa agad makakabili ang Pilipinas ng bakunang gawa ng Pfizer dahil mas uunahing bakunahan ang mga US citizen.

Nanindigan din siya na tanging si Galvez lamang ang mangangasiwa sa at pagbili ng COVID vaccines.

Ang lahat ng negosasyon para sa vaccine procurement ay dapat pumasa sa pamantayan ni Galvez.

Tiniyak din sa Pangulo nina Finance Secretary Carlos Dominguez at Budget Secretary Wendel Avisado na may pera ang Pilipinas sa pagbili ng bakuna.

Nanawagan din ang Pangulo sa publiko na huwag makinig sa mga kritiko dahil wala silang gagawin kundi mang-intriga.

Facebook Comments