60 milyong mga Pilipino, rehistrado na para sa 2020 election

Umabot sa 5.77 milyong mga Pilipino ang bagong nakapagrehistro para sa 2022 election.

Kasabay ito ng nalalapit na pagtatapos ng rehistrasyong itinakda ng Commission on Election (Comelec) na magaganap hanggang September 30.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, mahigit 60 milyong mga Pilipino na ang nakapagrehistro na malapit sa target na 61 milyon bago ang 2022 polls.


Wala pa namang desisyon ang Comelec sa House Resolution 2128 na inihain ng Makabayan Bloc na layong palawigin ng isang buwan ang rehistrasyon sa pagboto.

Facebook Comments