60 milyong Pilipino, target mabakunahan ng COVID-19 vaccine hanggang sa katapusan ng taon

Target ng pamahalaan na mabigyan ng bakuna ang 57 hanggang 60 milyong indibidwal sa bansa bago matapos ang taong 2021.

Ayon kay Department of Finance Secretary Carlos Domiguez III, sapat ang pondo ng pamahalaan para mabakunahan ang 50% ng kabuuang populasyon.

Dahil dito, hindi na kailangan ng gobyerno na magtabi pa ng pondo para mabakunahan ang 110 milyong Pilipino dahil sa ilang bagay na dapat isaalang-alang.


Kabilang na dito ang mga nasa edad 18 pababa na hindi pa maaaring bakunahan pati na rin ang hindi pa desidido o di kaya ay ayaw magpabakuna.

Kasabay nito, tiniyak ni Domiguez na makakarekober ang Pilipinas mula sa nararanasang krisis sa oras na maging available na ang ligtas at epektibong COVID-19 vaccines.

Facebook Comments