Cauayan City, Isabela- Aabot sa 60 establisyimento ang nainspeksyon ng Consumer Protection Division Team ng DTI Isabela sa kanilang isinagawang price and supply monitoring sa Lungsod ng Cauayan, Ilagan at Santiago.
Base sa kanilang ginawang pagmonitor sa presyo ng Basic Needs and Prime Commodities gaya ng mga delata, instant noodles, instant coffee, bottled water, loaf breads, condiments, detergent bars, bath soaps maging ang mga construction materials ay nananatili pa rin ang itinalagang Suggested Retail Price (SRP) ng DTI.
Nabatid naman na ilan sa mga produkto ay bahagyang nagtaas ang presyo dahil na rin sa idinagdag na delivery charges lalo na ang mga produktong binili sa mga indirect suppliers.
Muli namang nagpaalala ang CPD Isabela team sa mga business owners na sumunod pa rin sa tamang paglalagay ng price tag upang maiwasan ang pananamantala at maprotektahan ang karapatan ng mga mamimili.
Samantala, naging bahagi rin sa ginawang price and supply monitoring ng DTI Isabela sa mga faceshields upang matiyak kung nasusunod ang presyong Php26.00 hanggang Php50.00 na itinalagang SRP ng DOH.
Pumayag naman ang mga may-ari ng negosyo sa Lalawigan na hindi sila magtataas ng presyo at sila ay susunod sa SRP’s bagamat naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang kanilang pangkabuhayan.