60% ng in-process claims ng mga ospital, babayaran na ng PhilHealth sa susunod na linggo; PhilHealth President at CEO Dante Gierran, bugbog na sa mga batikos sa ahensya

Nangako si Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth President at CEO Dante Gierran na babayaran na sa susunod na linggo ang malaking bahagi ng in-process claims ng mga ospital sa kanilang ahensya.

Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni Gierran sa mga kongresista na babayaran na nila ang 60% ng mga in-process claims ng mga ospital sa PhilHealth gamit ang debit-credit payment method.

Ayon kay Gierran, babayaran naman nila ang utang sa mga ospital dahil batid nila na hirap din ang mga ito.


Sa P21.1 billion na pagkakautang ng PhilHealth sa mga ospital hanggang nitong August 24, 2021, P10.6 billion dito ay utang sa mga pribadong ospital.

Samantala, naglabas din ng sama ng loob si Gierran kung saan sinabi nitong bugbog na sila sa PhilHealth at unfair na palaging sila ang may mali matapos umanong tumawag sa kaniya si Philippine Hospitals Association President Dr. Jaime Almora at umaming nag-over react lamang ito sa mga naging pahayag sa media patungkol sa mga hindi nabayarang utang ng PhilHealth sa mga hospitals at health care providers.

Facebook Comments