Nasa mahigit 60% na ng mga donasyong COVID-19 vaccines ang nai-deploy na sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Task Force (NTF) Deputy Chief Implementer at Testing Czar Secretary Vince Dizon na halos lahat ng Sinovac vaccines ay naipadala sa iba’t ibang ospital sa bansa habang nagpapatuloy ang deployment ng AstraZeneca vaccines.
Sinabi ni Dizon na ang mga ito ay laan para lamang sa mga medical health worker na sumasagupa sa mga COVID-19 patient.
Unang idineliver ang mga bakuna sa COVID referral hospitals, Department of Health (DOH) hospitals, Local Government Unit (LGU) hospitals, private hospitals, quarantine facilities, regional healthcare units, provincial at city health units kasama na ang mga barangay health units.
Tiniyak din nito na bago mai-deliver ang susunod na batch ng AstraZeneca at ang mga biniling Sinovac vaccines ay naipadala ng lahat ang mga naunang donasyong bakuna.