Manila, Philippines – Anim sa sampung mga Pilipino ang handang tumulong sa mga naapektuhan ng limang buwang bakbakan sa Marawi City.
Base ito sa resulta ng survey ng Social Weather Station.
Sa survey, 27 percent ng mga respondents ang nagsabing “very ready”, 33 percent ang “somewhat ready”, 20 percent ang undecided, 11 percent ang “somewhat unready” at siyam ang “very unready”.
Pinakamataas na bilang naman ng mga nais tumulong ay mula sa Mindanao.
Isinagawa ang survey noong September 23 hanggang 27, ilang linggo bago idineklarang malaya sa kamay ng Maute group ang Marawi.
Facebook Comments