60% ng populasyon sa bansa, kailangang mabakunahan para makamit ang ‘herd immunity’ – DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) na kailangang mabakunahan laban sa COVID-19 ang 60% ng populasyon ng bansa para maabot ang ‘herd immunity.’

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergere, nakakamit ang herd immunity kapag nabigyan ng bakuna ang sapat na bilang ng tao sa komunidad.

Sinabi ni Vergeire na kailangang maglaan ang pamahalaan ng karagdagang budget para mabili ang sapat na bilang ng bakuna para sa publiko.


Aniya, ang inilaang ₱12.5 billion na budget ay sakop lamang ang 20 porsyento ng populasyon.

Nabatid na inisyal na nagtabi ang DOH ng nasa ₱2.4 billion mula sa proposed 2021 national budget para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaprayoridad niya sa COVID-19 immunization ay mga mahihirap, pulis at sundalo.

Facebook Comments