60 pagyanig, naitala sa Bulkang Taal

Umabot na sa 60 pagyanig sa nakalipas na magdamag ang naitala sa Bulkang Taal gayundin ang anim pang phreatomagmatic bursts.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum, naitala ang pagputok bandang 5:18 am, 8:46 am, 9:15 am, 9:26 am, at 11:56 am.

Ito ay nagtagal ng isa hanggang pitong minuto.


Ang mga pagyanig ay may 24 low-frequency volcanic earthquakes; 21 volcanic tremor; 10 hybrid earthquakes; at low-level background tremors.

Nananatili naman ang Alert Level 3 sa Bulkang Taal.

Facebook Comments