Bagamat nalusaw na ang bagyong Egay naapektuhan naman nito ang 60 pamilya o 232 indibdiwal sa Bulacan at Zambales sa Region 3.
Ito ay batay sa huling monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Sa bilang na ito 40 pamilya o 117 indibidwal ang nanatili sa evacuation centers o nakitira sa kanilang mga kamag-anak.
Wala namang napinsala sa sektor ng agrikultura at imprastraktura ang bagyong Egay.
Tiniyak naman ng DSWD na mayroon silang standby fund at family food packs para itulong sa mga naapektuhan ng bagyong Egay.
Facebook Comments