Sisimulan nang sanayin ng Department of Education (DepEd) sa darating na Hulyo ang higit kalahati pa ng 800,000 public school teachers para sa ipapatupad na distance learning sa darating na pasukan.
Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, nagbibigay ng paraan sa mga guro na palitan ang kanilang mga teaching materials sa e-book o iba pang digital formats ang nasabing training na pangungunahan ng National Educators Academy of the Philippines .
Kasabay nito, nanawagan naman ang DepEd sa mga pribadong paaralan na ipagpaliban muna ang pagtataas ng matrikula ngayong school year 2020-2021.
Ayon sa ahensya, ito ay bilang konsiderasyon sa mga magulang at mag-aaral na humaharap sa problemang pinansyal ngayong panahon ng pandemiya.
Iginiit ng DepEd na dapat matiyak na nananatiling abot-kamay at dekalidad ang edukasyon para sa lahat ng mag-aaral.