60% prank calls sa Unified 9-1-1 noong 2024, mas mababa na sa 1% ngayong taon —DILG

Bumaba ng halos 60% ang mga prank o pekeng tawag sa Unified 9-1-1 Hotline.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, malaki na ang ibinaba nito mula sa 60% prank calls noong 2024, sa 0.17% ngayong taon.

Ayon sa 24th Emergency 911 Commission Conference, nasa 98.62% naman ang efficiency rate ng Unified 911.

Kasunod na rin ito ng pagkakaresolba ng 872,586 mula sa kabuuang 884,809 tawag mula September 8 hanggang 24.

Nasa 1,495 lamang ang prank calls habang 12,223 naman ang dropped o abandoned calls.

Naging posible ito dahil sa modernisasyon ng sistema na ngayon ay may geolocation tracking at active caller directory na nagbibigay-prayoridad sa mga lehitimong tawag.

Facebook Comments