Umaabot na sa animnapung mga pulis ang nagtamo ng iba’t ibang sugat sa kanilang katawan makaraan ang tensyon sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City kasunod nang nagpapatuloy na pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa puganteng si Apollo Quiboloy at 4 pang kapwa akusado nito.
Ayon kay Police Regional Office (PRO) XI Spokesperson Maj. Catherine Dela Rey ang mga ito ay kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.
Ilan sa tama ng mga pulis ay sa ulo, leeg, sugat sa nose bridge, sa mukha, paa, kamay at knee injury.
Samantala, 2 naman ang sugatang sa kasapi ng KOJC ang ginamot ng pulisya.
Patuloy naman ang panawagan ng Pambansang Pulisya sa mga taga-suporta ni Quiboloy na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan upang maiwasan ang sakitan.
Kaugnay nito, 29 na KOJC members ang ipinagharap ng reklamo ng pulisya.
Ilan sa mga kasong isinampa laban dito ay obstruction of justice, direct assault, resisting arrest, disobedience to agents of authority at BP 880 o Public Assembly Act.
Ang mga ito ay nasa kustodiya ng Davao City Police at nakatakdang isalang sa inquest proceedings.