
Binuksan na ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos ang 60 slots para sa Libreng Kasal na gaganapin sa Pebrero 19, 2026, bilang bahagi ng programang naglalayong tulungan ang mga magkasintahang nais gawing pormal at legal ang kanilang pagsasama.
Ayon sa City Civil Registry Office, ang mass wedding ay isasagawa sa Don Leopoldo Convention Center simula alas-8 ng umaga at tatanggap ng mga aplikante sa first come, first served basis.
Libre sa mga kalahok ang venue at mahahalagang bahagi ng kasalan gaya ng kasuotan ng ikakasal, singsing, cake, wine, arras, bulaklak at handaan.
Mayroon ding libreng group photo para sa lahat ng magpapakasal sa naturang araw.
Inaanyayahan ang mga interesadong mag-asawa na magtungo sa City Civil Registry Office sa ground floor ng Alaminos City Hall Building upang mag-inquire at magpa-reserba ng slot.
Paalala ng tanggapan, limitado lamang ang slots kaya’t hinihikayat ang mga kwalipikadong aplikante na magparehistro sa lalong madaling panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










