60 WANTED PERSONS NADAKIP SA REHIYON 1 SA UNANG LINGGO NG 2026

Mas pinaigting ng Police Regional Office 1 (PRO1) ang kampanya laban sa mga taong may nakabinbing kaso matapos maaresto ang 60 wanted persons sa iba’t ibang panig ng Rehiyon 1 sa unang linggo ng taong 2026.

Sa kabuuang bilang, dalawa sa mga naaresto ang kabilang sa most wanted persons sa mga lalawigan sa Pangasinan at Ilocos Sur, habang ang 58 naman ay iba pang wanted individuals na matagal nang tinutugis ng mga awtoridad.

Ayon sa tanggapan, bunga ito ng mas pinaigting na koordinasyon ng mga lokal na yunit ng pulisya at ng aktibong pakikiisa ng mamamayan.

Hinimok din ng PRO 1 ang publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga wanted persons sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa pamamagitan ng official hotlines ng tanggapan.

Facebook Comments