600 BENEPISYARYO NG SAP-LAG SA BAYAMBANG, NABIGYAN NG CASH ASSISTANCE MULA SA DSWD

BAYAMBANG, PANGASINAN – Pinangunahan ni DSWD Regional Director Marie Angela Gopalan ang ikalawang bugso ng pamamahagi ng Social Amelioration Program – Livelihood Assistance Grant (SAP-LAG) ng Department of Social Welfare and Development sa Bayambang.

Sa naturang grant, 600 benepisyaryong rehistradong tricycle drivers at vendors ang tumanggap ng tig limang libong cash assistance bawat isa bilang ayuda sa pagkawala ng kanilang kabuhayan noong magkaroon ng mahigpit na restriksyon sa pagputok ng pandemya.

Sa naging mensahe ni Director Gopalan, ang tulong na ito ay kaayusan at pagbibigay ng pag-asa sa hinaharap na layunin ding matulungan at magbigay pag-asa para maka-usad sa pamumuhay ngayong nasa gitna ng pandemya.


Sa huli, sinabi sa mga benepisyaryo na kaakibat nito ang kanilang responsibilidad bilang isang recipient na gamitin sa mga pangkabuhayan sapagkat ito ay pandagdag puhunan upang makabangon sa kinakaharap na pandemya.

 

| via Idol Arman Soriano/#ifmdagupan

Facebook Comments