PARIS, FRANCE – Magme-meeting sa Paris, France ang nasa 600 disease experts mula sa 43 mga bansa para pag-usapan ang pinangangambahang pagkalat ng zika virus.Ayon kay Institute Pasteur President Christian Brechot, pag-uusapan ng mga eksperto ang virus na kagaya sa microcephaly, isang disorder na dahilan ng malalang pinsala sa utak ng mga sanggol.Tatalakayin din ang pag-unlad sa development ng zika diagnostics at vaccines.Matatandaan, idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang outbreak bilang public health emergency of international concern.
Facebook Comments