600 Gramo ng Ibinentang Marijuana, Kumpiskado sa isang Binata

12

Cauayan City, Isabela – Nadakip ang isang binata sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad pasado alas-tres ng hapon kahapon sa Brgy. Pengue Ruyu, Tuguegarao City, Cagayan.

Nakilala ang suspek na si alyas Larry, 20-anyos, walang asawa at residente sa naturang lugar.


Naaktuhan umano ang ginawang pagbebenta ng iligal na Marijuana ng binata kung saan tumitimbang ito ng 600 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P72,000.

Nakumpiska sa suspek ang P3,000 na buy bust money at ang ibinentang Marijuana.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments