Mahigit 600 na Local Government Units (LGUs) ang binigyang pagkilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa katatapos lang na 2020 Anti-Drug Abuse Council Special Awards ceremony.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sa 605 na awardees, 273 dito ay mga LGU na matagumpay na nakapaglinis ng mga drug-affected barangays sa kanilang nasasakupan.
234 naman sa mga ito ay mga LGU na nagawang mapanatili ang kanilang status bilang unaffected barangays.
Kinilala rin ang 70 na mga civil society organization na nagpupursige sa kanilang anti-illegal drug efforts
Ang mga namumukod tanging LGUs ay napili batay sa mga sumusunod:
• mga ibinigay na interbesyon sa mga identified drug pushers
• mga barangays na nakapagsumite ng BADAC watchlist para sa mga drug personalities
• updates sa kanilang anti-illegal drug campaign
• tuloy tuloy na anti-illegal drugs advocacy campaign programs