$600 million loan ng Pilipinas para sa economic recovery, inaprubahan na ng World Bank

Inaprubahan na ng Washington-based multilateral lender na World Bank ang panibagong multi-milyong dolyar na loan ng Pilipinas.

Ito ay matapos na bigyan ng green-light ng World Bank’s Board of Executive Directors ang $600 million na loan ng bansa.

Ayon kay Ndiamé Diop, World Bank Country Director ng Brunei, Malaysia, Philippines at Thailand, ang pondo ay gagamitin para suportahan ang mga programa at repormang ipapatupad ng pamahalaan.


Partikular dito ang competitive and resilient economic recovery ng Pilipinas matapos ang pagtama ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Facebook Comments