Manila, Philippines – Isusulong ng Department of Justice (DOJ) sa mga korte na ipadeklarang terorista ang nasa 600 miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).
Kasunod na rin ito ng kanselasyon ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng mga komunista.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, itutuloy nila ang mga petisyon sa korte maliban na lang kung magbigay ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte at ang government peace panel.
Kabilang sa 600 personalidad si CPP Founder Jose Maria Sison, dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo at U.N. Special Rapporteur on the Rights of Indigenous Peoples na si Victoria Tauli-Corpuz.
Kasama rin sa listahan si CPP Leaders Benito at Wilma Tiamzon, NDF Consultants Rafael Baylosis, dating NDF Peace Panel Chief Luis Jalandoni, dating Baguio City Councilor Jose Molintas, Joanna Cariño, Windel Farag-Ey Bolinget, Sherwin De Vera, Beverly Sakongan Longid at Jeannette Ribaya Cawiding.