MARIKINA CITY – Umabot sa 600 estudyante ang nabakunahan ng anti-dengue sa Parang Elementary School sa Marikina City.Kaninang umaga ay sinimulan ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra dengue.Ayon kay Dr. Honielyn Fernando, Assistant City Health Officer sa Marikina, napatunayan sa isinagawang pag-aaral na epektibo ang dengue vaccine kung ipagkakaloob ito sa mga batang may edad na 9 na taong gulang.Sa datos ng Marikina Health Office, umaabot sa 487 ang naitalang kaso ng dengue sa lungsod noong nakaraang taon.Kabilang sa mga dumalo sa vaccination program ay sina DOH Sec. Janette Garin, Department of Education (DepEd) Sec. Armin Luistro, Interior Sec. Mel Sarmiento at iba pang lokal na opisyal ng Marikina.Base sa advisory ng DOH, posibleng mawalan ng malay o magkaroon ng rashes, pananakit ng ulo o fever ang mga public school students pagkatapos mabigyan ng anti-dengue shot.Karaniwang nararanasan ng mga bata sa mga school-based immunizations ang mawalan ng malay dahil sa takot ng mga ito sa iniksyon o ang ilan ay hindi pa kumakain bago ang vaccination.Pinaalalahanan din ng DOH ang mga batang lalagnatin at sasakit ang ulo na uminom ng maraming tubig at mag-take agad ng gamot.
600 Na Estudyante, Nabakunahan Na Ng Anti-Dengue Sa Marikina City
Facebook Comments