600 NA MGA ATLETANG DAGUPEÑOS, SASABAK SA R1AA 2023

Nasa anim na raang mga atletang Dagupeños ang sasabak at pakikipagtunggali sa larangan ng pampalakasan sa nagaganap na Region 1 Athletic Association o R1AA Meet 2023.
Matatandaang bilang paghahanda sa nasabing kompetisyon ay ang pamamahagi ng ilang mga sport equipment at sapatos na kanilang nagamit sa pageensayo at pagsasanay sa iba’t-ibang mga larong paglalabanan.
Ilang sponsor din ang namahagi ng bigas, tubig, ilang mga biskwit at iba pang pagkain na kanilang mapapakinabangan habang lalagi ang mga ito mula May 14 hanggang 19.

Samantala, nasa labing apat o 14 naman na mga Schools Division Office sa buong Rehiyon Uno ang makikipagtagisan ng galing sa malakihang sports event ng DepEd, dala ang kani-kanila pang mga kalahok. |ifmnews
Facebook Comments