600 na pares ng hindi nai-distribute na plaka, nakumpiska ng LTO sa surprise inspection sa motor vehicle dealers

Hinikayat ni Land Transportation Office o LTO Chief Asec. Vigor Mendoza ang mga car dealer na ipamahagi na agad ang mga plaka ng sasakyan.

Ito’y matapos madiskubre ni Mendoza sa kanyang isinagawang surprise inspection sa isang car dealer sa Quezon City ang nasa 600 pares ng plaka.

Kinuhanan naman ng opisyal ng panig ang car dealer kung bakit natetengga ang mga plaka.


Batay umano sa pag-aaral ng maraming car owners ang hindi na interesado kunin ang kanilang plaka dahil nakababiyahe naman sila kahit walang plaka.

Ito ayon kay Mendoza ang dahilan kung bakit desidido silang ipatupad na ngayong taon ang no plate no travel policy.

Facebook Comments