600 pulis, naka-deploy na para sa prusisyon ng replica ng Nazareno mamaya

Handa na ang Manila Police District (MPD) sa sunod-sunod na aktibidad para sa Pista ng Itim na Nazareno.

Ayon kay Senior Superintendent Vicente Danao, hepe ng MPD, nakakalat na ang anim na raang pulis sa ruta ng blessing at prusisyon ng replica ng Nazareno na gaganapin mamaya, ala una y medya ng hapon.

Pinaigting din ang checkpoints sa perimeter ng Quiapo Church.


Sinabi ni Danao, buong araw na ang ganitong deployment at mas madaragdagan pa sa mismong araw ng Pista ng Nazareno.

Alas onse naman ng umaga mamaya isasara ang southbound lane ng Quezon Boulevard at westbound lane ng Espanya Boulevard para pa rin sa prusisyon.

Samantala, pinapatupad na ang no vendor policy sa lahat ng mga pagdarausan ng mga aktibidad kaugnay ng Traslacion.

Facebook Comments